Pilipinas, posibleng makaladkad sa tensyon ng US at China sa pagpayag nito sa pagtayo ng bagong EDCA sites ayon sa Communist Party of the Philippines

Naniniwala ang Communist Party of the Philippines na makakaladkad lamang ang bansa sa away ng US at China.

Kasunod ito ng pagpasok ng Pilipinas sa kasunduang pagtayo ng apat pang Enhanced Defense Cooperation Agreement sites at ang pagsisimula muli ng joint patrols natin sa South China kasama ang Amerika.

Ayon kay CPP Chief Information Officer Marco Valbuena, habkang umano ito ng gobyerno ng Estados Unidos na maghanda ng giyera laban sa China.


Dahil dito, ginagawa lamang umano ni Pangulong Bongbong Marcos na maging target tayo ng mga armas ng Tsina.

Dagdag pa ni Valbuena, dapat ipagpatuloy ng Pilipinas at iba pang bansa na pigilan ang potensyal na giyera na sumiklab ng dalawang malalakas na bansa.

Samantala, muling iginiit ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. ang foreign policy ng Marcos administration na maging kaibigan sa lahat at hind imaging kalaban ng sinuman.

Facebook Comments