Pilipinas, posibleng makaranas ng “major humanitarian crisis” kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette

Posibleng maranasan ng ilang lugar sa Pilipinas ang major humanitarian crisis kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Babala ito ng international humantarian organization na Care sa gitna ng mga napabalitang kakapusan ng pagkain at malinis na inuming tubig, kawalan ng kuryente at mga insidente ng nakawan sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Care Philippines Country Director David Gazashvili, ang pinsalang dulot ng Bagyong Odette ay katulad ng nangyari noon sa Super Typhoon Yolanda.


Dahil dito, pinamamadali ng UNICEF ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng mahigit 900 libong kabataang apektado ng bagyo.

Facebook Comments