Nagbabala ang embahada ng Pilipinas sa Amerika na posibleng parusahan ng Estados Unidos ang Pilipinas.
Ito’y kung itutuloy ng Pilipinas ang planong pagbili ng armas at gamit pang-militar sa Russia.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, may batas ang Amerika na nagpapataw ng sanctions sa mga bansang bumibili ng military equipment mula sa russia, Iran, o sa North Korea.
Paglilinaw naman ni Pentagon Spokesperson for Asia David Eastburn, na sa kabila ng pagbili ng mga armas ay hindi nila pinagseselosan ang gumagandang relasyon ng Pilipinas at Russia.
Inirekomenda niya na dapat pahero ang ginagamit na military equipment ng Pilipinas at US.
Matatandaang bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng mga armas mula sa russia subalit pinag-aaralan pa ito ng Dept. of National Defense (DND).