Pilipinas, posibleng matulad sa Europe kung muling tataas ang kaso ng COVID-19

Hindi inaalis ng gobyerno ang posibilidad na matulad ang Pilipinas sa Europe sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, kung laging magpapakampante ang publiko at makakaligtaang sumunod sa health protocols ay posibleng tumaas muli ang kaso.

Kasabay nito, sinuportahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Duque at inilatag ang naganap sa Europe kaya muling tumaas ang bilang ng sakit.


Sa ngayon, umabot na sa 2,818,511 ang kabuuang kaso sa Pilipinas matapos itong madagdagan ng 2,601 kahapon.

Nasa 27,025 ang active cases kung saan pinakamarami ang mild na nasa 61%.

Facebook Comments