Pilipinas, posibleng mayroon sariling unique COVID-19 variant

Hindi malayong magkaroon din ang Pilipinas ng sarili nitong variant ng COVID-19.

Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Cynthia Saloma, posibleng katulad din sa unique variants ng COVID na mula United Kingdom, South Africa at Brazil ang mabuo sa Pilipinas kapag patuloy ang pagtaas ng kaso nito.

Aniya, maaaring mapigilan ang pagkakaroon ng local variant sa bansa kung bababa ang Coronavirus infections.


Ang PGC ang nagsasagawa na ng genome sequencing gamit ang mga samples ng COVID-19 mula sa mga pasyente para ma-detect kung mayroon silang bagong variant ng virus.

Una nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang local transmission sa Bontoc, Mt. Province matapos magpositibo sa UK variant ng virus ang 12 residente.

Facebook Comments