Posibleng naka-quarantine pa ang Pilipinas hanggang sa katapusan ng 2021.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary for Socioeconomic Planning Karl Kendrick Chua, posibleng manatili sa Modified General Community Quarantine o sa mas maluwag na restriction ang bansa sa buong taon ng 2021.
Kailangan pa kasi aniyang magkaroon ng bakuna bago tuluyang makabalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.
Dahil dito, posibleng sa 2022 pa magbalik-normal ang lahat dahil sa susunod na taon pa inaasahang makakakuha ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas.
Facebook Comments