Handa ang gobyerno ng Spain na magbigay ng institutional support sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM.
Ang kahandaang ng pagtulong ay inihayag ni Spain President Pedro Sanchez Perez Castejon sa historical bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sidelines ng ASEAN EU Commemorative Summit sa Brussels Belgium.
Inilarawan ng Spain president na ang Pilipinas na priority country para mabigyan ng tulong para makamit na ang pang matagalang kapayapaan sa southern part ng Pilipinas.
Ayon naman kay Marcos na naalala niya noong panahong senador pa siya ay umaasa na siyang makabubuo ng autonomous political entry para matapos na ang deka-dekadang sagupaan at kahirapan sa southern part ng Pilipinas.
Humingi pa umano siya ng payo sa mga ilang bansa para maresolba ang problemang ito at nalaman niya na ang pinakasolusyon ay turuan ng bagong curriculum ang mga eskwelahan para ituro sa mga estudyante.
Naniniwala ang pangulo na kapag naturuan ang mga bata nang ibang perspektibo patungkol sa gobyerno ng Pilipinas ay iiba rin ang mga pananaw ng mga kabataan na kanilang madadala hanggang sa pagtanda.
Sa pagpupulong nagkasundo ang dalawang lider na palalakasin ang Manila at Madrid bilateral relations.