Pumapangalawa na ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN region sa dami ng mga nabakunahan laban sa COVID-19.
Naungusan na ng bansa ang Singapore habang nangunguna pa rin ang Indonesia.
Sa kasalukuyan, mahigit 2,409,235 indibidwal na ang nabakunahan sa bansa.
451,270 rito ang fully vaccinated habang 1,957,965 ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Samantala, nasa ika-15 puwesto naman ang Pilipinas sa buong Asya at ika-41 sa buong mundo pagdating sa COVID-19 vaccination rollout.
Facebook Comments