Pilipinas, pumapangalawa na sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamataas na kaso ng COVID-19

Pumapangalawa na ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay makaraang umakyat sa 46,333 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa bansa base sa huling tala ng Department of Health kahapon.

Nangunguna naman ang Indonesia na may 64,958 cases.


Gayunman, nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na active cases ng virus na nasa 32,845 kumpara sa 31,789 ng Indonesia.

Habang COVID-19 free na ang Brunei at Lao People’s Democratic Republic (Laos).

Facebook Comments