Pilipinas pumapangalawa sa most disaster prone country sa buong mundo; OCD, tiniyak na pagagandahin pa ang pagpapatupad ng mga programa

Inaayos na at mas pinapaganda ng Office of Civil Defense ang kanilang Disaster Risk Reduction Management Program.

Ito ay matapos ang ulat ng World Risk Report 2022 na pumapangalawa sa most disaster prone country sa buong mundo ang Pilipinas.

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Office of Civil Defense Asec. at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Raffy Alejandro IV na nakuha nila ang resulta ng report kaya para ma-address aniya ito ay kailangan nang kooperasyon ng lahat ng levels ng local government.


Kailangan din aniyang ma-adapt sa bagong technologies o sistema para mas magkaroon ng kapabilidad ang bansa sa disaster response and risk management at kailangan bumuo ng authority or department na responsible sa pagharap pagbuo o pamamahala sa disaster risk systems.

Samantala nakikita namang dahilan ni Alejandro sa pagiging pangalawa ng bansa bilang most disaster prone country sa buong mundo ay dahil sa napakalaking populasyon ng Pilipinas na aabot na sa 120 milyon, at iba pang mga factors.

Magkagayunpaman ayon kay Alejandro, dapat matutukan ang disaster risk reduction sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa para mabawasan ang malalang epekto ng kalamidad sa bansa.

Facebook Comments