Pilipinas, pumayag nang bumisita sa bansa ang team ng European Parliament

Tinanggap ng Pilipinas ang kahilingan ng European Parliament (EP) Subcommittee on Human Rights (DROI) na bumisita sa bansa mula Pebrero 22 hanggang 24.

Ang delegasyon ay pangungunahan ng anim na miyembro ng European Parliament.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbisita ng EU Parliamentarians ay nangangahulugan nang lumalawak na dayalogo at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at European Union.


Sinabi ng DFA na ang ugnayan ng Pilipinas sa EU at mga miyembro nito ay tuloy-tuloy na lumalawig sa political, economic at security areas.

Ang relasyon na ito anila ay nakabatay sa mutual interest at shared values ng demokrasya at kalayaan, rule of law, kapayapaan at katatagan at karapatang pantao.

Inaasahan na ang European delegation ay haharap sa kanilang counterparts sa Senado at Kamara para talakayin ang best practices at lehislasyon.

Bibisita rin ang mga ito kina Justice Secretary Jesus Remulla Jr., at Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual at makikipag-dayalogo sa mga ahensya sa ehekutibo.

Facebook Comments