Pilipinas, rank 90th sa mundo pagdating sa pagpapairal ng rule of law

Humanay ang Pilipinas sa ika-90 pwesto pagdating sa rule of law.

Ito ay base sa isinagawang survey ng World Justice Project (WJP).

Ang Pilipinas ay nakakuha ng index score na 47.


In-evaluate sa survey ang walong factors: constraints on government powers; absence of corruption; open government; fundamental rights; order and security; regulatory enforcement; civil justice at criminal justice.

Ayon kay WJP Executive Director Elizabeth Andersen – lumabas din sa survey na sa ikalawang sunod na taon na bumababa ang rule of law, senyales ng pag-angat ng authoritarianism sa ilang bansa.

Sa positibong aspeto, maraming bansa ang mataas ang score pagdating sa kawalan ng korapsyon kung saan nangunguna ang Denmark, Norway at Finland habang nangungulelat dito ang Democratic Republic of Congo, Cambodia at Venezuela.

Aabot sa 3,800 surveys ang ikinasa sa 120,000 households sa 126 na bansa.

Facebook Comments