Sanay na ang Pilipinas sa mga kasinungalingan ng China at sa mga hindi totoong pahayag nito.
Reaksyon ito ni National Task Force on the West Philippine Sea Assistant Director General Jonathan Malaya sa Bagong Pilipinas Ngayon matapos ang pahayag ng China na nakabatay sa batas ang panghaharang nila sa Philippine vessel na magdadala ng construction materials sa BRP Sierra Madre.
Ito ay kasunod ng panibagong dangerous manuever ng Chinese vessel na nag-resulta sa pagbangga nito sa Philippine vessel na Unaiza May 2 na magsasagawa ng resupply mission sa lugar, linggo ng umaga (October 22).
Sinabi pa ng opisyal na tulad noong insidente ng paga-alis ng PCG ng boya na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc, kung saan inakusahan ng China na self-stage lamang ito ng Pilipinas.
Sinabi pa ng opisyal na malaya nilang sagutin ang mga paratang na ito, lalo’t wala naman itong katotohanan.