Makikipagkumpitensya ang Pilipinas sa kauna-unahang FIBA Esports Tournament na gaganapin sa June 19, 2020 hanggang June 21, 2020, kung saan nilalaro lamang ito sa NBA 2k Video Game Series.
Kabilang sa mga makikilahok ang bansang:
- Argentina
- Australia
- Austria
- Brazil
- Cyprus
- Indonesia
- Italy
- Latvia
- Lebanon
- Lithuania
- New Zealand
- Russia
- Saudi Arabia
- Spain
- Switzerland at Ukraine
Ayon kay FIBA Media and Marketing Services Director General Frank Leenders, layunin nitong mapalawak ang FIBA family sa pamamagitan ng FIBA Central Board.
Ang bawat isang koponan ay magkakaroon ng pitong manlalaro kung saan lima rito ang nasa loob ng court habang nakareserba naman ang dalawa gamit ang Pro-AM mode habang nakasuot ng uniporme at customize ng player avatars.
Ang nasabing laro ay naka-livestream sa Facebook, Twitter at Youtube channels ng FIBA.
Facebook Comments