Pilipinas Shell Petroleum Corporation, pansamantala munang ititigil ang operasyon ng isa nilang oil refinery dahil sa pagbaba ng demand ng produktong petrolyo

197

Pansamantala munang ititigil ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang operasyon ng kanilang oil refinery sa Batangas simula sa May 15.

Ayon sa kumpanya, ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng demand ng produktong petrolyo sa bansa bunsod na rin ng epekto ng COVID-19 crisis.

Kaugnay nito, sa mga iniangkat na produktong petrolyo muna sila kukuha ng mga produktong langis para sa kanilang suplay sa bansa.


Facebook Comments