Pilipinas, sinisilip ang pagbibigay ng compassionate special permit para sa paggamit ng small pox vaccine laban sa Monkeypox

Sinisilip na ng gobyerno ang posibleng paggamit sa small pox vaccine upang labanan ang Monkeypox virus.

Sinabi ni Health Alternate Spokesperson at Undersecretary Beverly Ho na maaring magamit ang small pox vaccine sa pamamagitan ng compassionate specilal permit o CSP.

Ayon kay Ho, hindi kasi maaaring gamitin ang emergency use authorization (EUA) para sa ibang bakuna maliban sa COVID-19 vaccine habang sa certificate of product registration (CPR) ay posibleng matagalan pa ang pagproseso nito.


Sa pamamagitan pag-isyu ng Food and Drug Administration (FDA) ng CSP sa limitadong panahon ay magagamit ang small pox vaccine laban sa Monkeypox.

Batay rin sa guidelines ng DOH, maaring gamitin ang mga supportive therapy katulad ng smallpox vaccine bilang pangunahing treatment sa Monkeypox.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa US Agency for International Development para sa gamot at bakuna laban sa virus.

Mababatid na idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Monkeypox bilang isang health emergency of international concern noong July 23.

Facebook Comments