Pilipinas, sinuspinde na ang pagpapadala ng healthcare workers sa abroad

Sinuspinde na ng pamahalaan ang pagpapadala ng healthcare workers sa ibang bansa.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), naabot na kasi ang 6,500 deployment cap noong nakaraang buwan.

Pero sabi ni POEA Administrator Bernard Olalia, papayagan pa ring makalabas ng bansa ang mga nurse na mayroon nang Overseas Employment Certificate (EOC).


Mananatili ang suspensyon hangga’t walang inilalabas na bagong resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Noong 2020 nang maglagay ng deployment cap ang gobyerno para masigurong hindi mauubusan ng healthcare workers ang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments