Pilipinas, tanging bansa sa mundo na pinapayagan ang mga LGU at kumpanya na mag-angkat ng bakuna

Nag-iisang bansa lamang sa mundo ang Pilipinas na nagpapahintulot sa Local Government Units (LGUs) at pribadong sektor na mag-angkat ng COVID-19 vaccines.

Ito ang paglilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasunod ng mga ulat na pinagbabawalan ang mga LGU na bumuli ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga kababayan.

Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, nakapaloob sa tripartite agreement sa pagitan ng national government, LGU at vaccine supplier, ang mga lokalidad ay pwedeng bumili ng 50% ng COVID-19 vaccine.


Pero binigyang diin ni Densing na responsibilidad ng pamahalaan sakaling magkaroon ng side effects tulad ng allergic reaction ang mga nabakunahan.

Mananatili ring responsibilidad ng gobyeno ang pag123bili at pang-angkat ng COVID-19 vaccines.

Sa ilalim ng DILG advisory, ang mga independent cities, highly urbanized cities gaya ng Metro Manila at provincial government ay maaaring maging bahagi ng tripartite agreement.

Facebook Comments