
Target ng pamahalaan na gawing regional data center hub ang Pilipinas sa Southeast Asia.
Ito ay matapos makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DAMAC Digital founder at chairman Hussain Sajwani sa Abu Dhabi.
Tinalakay sa pulong ang interes ng Dubai-based company na mamuhunan sa digital infrastructure ng bansa, kabilang ang planong magtayo ng data center sa Laguna.
Nakahanda ang Pilipinas sa ganitong pamumuhunan dahil sa angkop na lokasyon at tumataas na pangangailangan sa digital services, cloud, at data storage sa rehiyon.
Bahagi ang pulong ng working visit ng Pangulo sa United Arab Emirates na nakatuon sa trade, investment, at teknolohiya.
Facebook Comments










