Pilipinas, tatanggap ng karagdagang P70 milyong COVID-19 aid mula Canada

Magbibigay ng karadagang 1.9 milyong canadian dollars o P70.2 million ang Canada sa Pilipinas.

Ayon kay Canadian Ambassador to the Philippines Peter Macarthur, ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pagtulong sa mga bansang lubos na apektado ng pandemya.

Layon ng dagdag na pondo na bumuo ng information dissemination sa COVID-19 sa mga remote areas, pagsasanay ng frontline healthcare workers sa clinical management at contact tracing at probisyon ng sexual at reproductive health services kabilang ang counseling at psychosocial support.


Ie-equip din nito ang pansamatalang health facilities ng portable toilets, shower areas at handwashing facilities kabilang ang pagbili ng Personal Protective Equipment (PPEs), testing kits, disinfectants, sanitation tents at mga kama.

Facebook Comments