Maaaring buksan na ng Pilipinas ang border nito para sa mga dayuhang turista kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatiling bawal pumasok sa bansa ang foreign tourist.
Nakiusap si Roque sa ilang nananawagang grupo na habaan pa ang pansensya dahil ang pagluwag ng travel ban sa mga dayuhang turista ay mangyayari kapag mayroon ng bakuna.
Matatandaang pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang mga dayuhang asawa ng mga Pilipino at kanilang mga anak na pumasok sa bansa.
Pumayag din ang government task force na papasukin ang mga dating Filipino citizens kabilang ang kanilang mga asawa at anak.
Facebook Comments