Hindi tatanggap ng refugees ang Pilipinas mula Afghanistan maliban na lamang kung sa pamamagitan ng request mula sa isa pang gobyerno.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., kailangang government-to-government o kausap ang kanilang Foreign at Justice ministers.
Partikular na binanggit ng foreign affairs chief ang United Kingdom, United States, at iba pang Western countries na mga pinaka-aktibo sa evacuation.
Aniya, hindi ie-entertain ng bansa ang kahit anong request for asylum mula sa NGOs kahit pa well-meaning o reputable.
Matatandaang una nang sinabi ng Malacañang na bukas ang bansa na tumanggap ng refugees at asylum seekers mula Afghanistan matapos na kontrolin ng Taliban ang capital nitong Kabul.
Facebook Comments