Pilipinas, tinawag na Asia’s fastest rising star ni Pangulong Bongbong Marcos

Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang Asia’s fastest rising star ang Pilipinas sa ginanap na Philippine economic briefing sa Singapore kahapon.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na nasa matatag na direksyon ang bansa patungo sa masiglang ekonomiya mula sa pandemya.

Inaasahan aniya na sa susunod na mga taon ay gaganda na ang ekonomiya ng Pilipinas.


Pinanghahawakan aniya natin dito ang magandang investment policy environment, masiglang macro-economic fundamentals at malakas na economic team.

Giit ng pangulo, committed ang kaniyang administrasyon sa pagtatatag ng mas competitive na business climate na may mataas na value investments.

Ang maraming investments aniya ay makikita sa mas mataas na economic activity, mas maraming tabaho at mas maayos na pamumuhay ng lahat ng mga Pilipino.

Nagpapatupad aniya ang gobyerno ng 8-point socio economic agenda na kumakatawan sa mas malawak na paglikha ng hanapbuhay, pagpapalawak ng ng digital infrastructure at pagtataguyod ng research and development sa buong bansa.

Sa pamamagitan aniya ng estratehiyang ito ay magagawang mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa at maitaas naman ang kita ng maraming Pilipino.

Facebook Comments