Manila, Philippines – Binigyang diin ni Senator AlanPeter Cayetano sa United Nations Human Rights Council ang commitment ngpilipinas sa paggalang sa dignidad at karapatang pantao kasabay ng pagpapatupadng war on drugs ng Duterte administration.
Diin pa ni Cayetano, tinitiyak ng pamahalaan na nasusunodang batas at hindi kinukunsinti ang mga pulis o otoridad sa pilipinas naumaabuso.
Ito ang pambungad na mensahe ni Senator Cayetano saginaganap na Universal Periodic Review sa Geneva, Switzerland.
Sabi ni Cayetano, anumang hakbang ni Pangulong RodrigoDuterte sa pagsusulong ng tunay na pagbabago ay naaayon sa itinatakda ng mgainternational treaties na pinasok ng bansa.
Sakop ng presentation ni Cayetano ang apat na taon sailalim ng Aquino administration at sampung buwan ng Duterte administration.
Sa kanyang presentation ay tinira ni Cayetano ang mgakritiko ni Pangulong Duterte, lalo na ang Commission on Human Rights o CHR sapagpapakalat ng mali maling impormasyon.
Kinuwestyon ni Cayetano kung bakit hindi nairereport ngCHR ang average na 11,000 hanggang 16,000 kada taon na mga kaso ng patayan samga nakaraang administratyon.
Sa record na ipinrisinta ni Cayetano ay lumalabas na79,417 ang kaso ng pagpatay mula 2009 hanggang 2015 bago pa umupo si PangulongDuterte.
Sa ilalim ng Duterte administration, ayon kay Cayetano ay9,432 ang naitalang homicide cases mula July 1 2016 hanggang March 31, 2017,habang 2,692 naman ang bilang ng nasawi sa lehitimong police operation kaugnaysa drug war.
Ipinagmalaki pa ni Cayetano ang mataas na bilang ng drugoperations ng Duterte admin kumpara sa Aquino administration.
Kasama pa sa ibinida ni Sen. Cayetano ang 1.266 million na pushers at users na sumuko simula ng manungkulan si pangulngduterte at ngayon ay isinasailalim na sila sa rehabilitation.
Giit ni Cayetano, ginagawa ng pamahalaan ngayon ang lahatpara maproteksyunan ang buhay at karapatang pantao ng mamamayan laban sa mgakrimen na hatid ng pagkagumon sa bawal na gamot.
Ikinatwiran ni Cayetano na ang ilegal na droga ay kayangsumira sa isang buong henerasyon at ugat din ng problema sa kahirapan atkriminalidad.
Pilipinas, tiniyak sa United Nations ang paggalang sa dignidad at karaptang pantao
Facebook Comments