Tiniyak ng China sa Pilipinas na hindi nito ookupahin ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana sa kabila ng mga ulat na ilang Chinese militia vessels ang nasa lugar.
Ayon kay Sta. Romana, dapat panatilihin ng Pilipinas ang pagbabantay kahit tiniyak ng China na walang agresibong aksyon laban sa tropa ng gobyerno.
Sabi pa ni Sta. Romana, bukas ang China na iatras ang kanilang mga barko sa West Philippine Sea.
Ani pa ni Sta. Romana, na nangako rin ang China na iimbestigahan ang pag-ani ng mga Chinese sa mga taklobo.
Mababatid na nasa China ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa Second Belt and Road Forum for International Cooperation at isa ang maritime row sa mga isyu na inaasahang matatalakay.