Pilipinas, top choice sa pamumuhunan ng mga negosyante sa Japan

Interesado ang mga negosyanteng Hapones na palakasin ang kanilang partnership sa Pilipinas.

Ayon sa Chamber of Commerce and Industry (CCI), dahil ito sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Ken Kobayashi, chairman ng Japanese Chamber of Commerce and Industry o JCCI, nahikayat ang Japanese investors na magsimula ng kanilang negosyo sa Pilipinas dahil sa inaasahang pagtaas ng workforce population maging ng domestic demand.


Sa katunayan, ang Pilipinas aniya ang unang bansa na kanilang binisita matapos ang pandemya.

Sa pagbisita sa Malacañang, partikular na tinukoy ni Kobayashi ang plano nilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan gaya ng digital infrastructure, green economy, at human capital.

Dagdag pa ng JCCI Official, ang Japanese economic mission sa Pilipinas ay binubuo ng 70 miyembro na kumakatawan sa top management ng Japanese corporate world.

Facebook Comments