Sports – Tuloy na ang 2019 Southeast Asian Games sa Pilipinas.
Nagbago kasi ang isip ng Malacañang matapos ang isinagawang meeting sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Presidential Special Assistant Bong Go, cabinet secretary Leoncio Evasco at Philippine Sports Commission chair Butch Ramirez.
Nauna nang sinabi noon ng P-S-C na hindi matutuloy ang paghohost ng Pilipinas sa SEA Games dahil sa krisis sa Marawi.
Gagamitin na lamang daw sana ang pondo sa hosting sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Facebook Comments