
Tiniyak ng economic team ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos ianunsyo ang karagdagang 15 porsyentong taripa sa imported goods.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang trading partner ng bansa ang Amerika kaya patuloy ang koordinasyon habang binabantayan ang posibleng epekto nito sa kalakalan at investments.
Layunin ng pamahalaan na manatiling matatag at maayos ang ugnayan ng dalawang bansa.
Sa susunod na buwan, pupunta si Pangulong Marcos sa New York para sa mga aktibidad ng United Nations.
Posible ring magkaroon ng pagkakataon na magkita silang muli ni Trump.
Noong nakaraang taon, nagkita ang dalawang lider sa White House kung saan ibinaba ng Amerika ang reciprocal tariff sa Pilipinas mula 20 porsyento.
Sa ngayon, patuloy na nakatutok ang gobyerno upang maprotektahan ang interes ng Pilipinas sa gitna ng pagbabago sa global trade.










