Inihayag Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mataas ang kinita ngayon ng Philippine exporters sa katatapos pa lang na 4th China International Import Expo (CIIE).
Ayon kay Xilian, nasa 30% ang itinaas na kita ng bansa ito ay katumbas ng $597 million, kumpara noong nakaraang taon na umabot ng $462 million.
Aniya ang performance ng bansa ngayon taon sa CIIE ay nagpapakita na patuloy ang pagtaas ng trade relationship ng Philippines and China.
Ang China aniya ay nananatiling no.1 partner ng bansa bilang trading partner nito ngayong taon.
Batay sa kanilang tala anya, Mula January hanggang 2021, ang Philippines’ export to China, kasama na ang Hong Kong, ay umabot na sa $16.1 billion, tumaas ito ng 30 percent mula sa total exports ng bansa noong nakaraang taon.
Dahil dito, nagpaabot ng pagbati si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa mga exporter ng bansa.
Hanggad naman niya ang mas marami pang mga competitive Philippine commodity na maipasok ng bansa sa Chinese market sa mga darating na araw.