Pilipinas, umaasang maglalagay ng safe zone ang UN para sa mga taong naiipit sa kaguluhan

Umaasa si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na maglalagay ng safe zones ang United Nations (UN) para sa mga indibidwal na naiipit sa gulo na gusto nang umalis sa Sudan.

Ayon sa kalihim, sa kasalukuyan, marami sa mga Filipino ang gusto nang lumikas sa Sudan habang ang iba ay piniling manatili sa lugar.

Umaasa pa aniya ang ilang Filipino sa Sudan na huhupa rin ang sitwasyon.


Inamin naman ni Ople, hindi naman mapipilit ng gobyerno ang mga Filipino na umalis sa Sudan dahil personal na desisyon na ito.

Sa ngayon ayon pa kay Ople na nakatutuwa na nagpahayag na ng kahandaan ang UN na umaksyon sa gulo.

Sana lang aniya ay maglagay ng humanitarian corridors ang UN para matiyak na ligtas ang paglilikas sa mga Filipino.

Ang gulo sa Sudan ngayon ay dahil sa power struggle.

Facebook Comments