
Ipinaabot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mahigpit na pagtutol ng Pilipinas sa pag-apruba ng State Council ng China sa pagtatayo ng “Huangyan Island National Nature Reserve” sa Bajo de Masinloc.
Iginiit ng DFA na ang Bajo de Masinloc ay matagal nang integral part ng Pilipinas kung saan may soberenya at hurisdiksyon ito.
Nilinaw din ng DFA na ang Pilipinas lamang ang may eksklusibong awtoridad sa pagtatayo sa environmental protection areas na siyang teritoryo nito at sakop ng maritime zones.
Tiniyak din ng DFA na maglalabas ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa anila’y illegitimate at unlawful action ng China.
Hinimok din ng Pilipinas ang China na irespeto ang soberenya at hurisdiksyon ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa DFA, hindi rin dapat ituloy ng Tsina at bawiin nito ng State Council nito ang pag-apruba sa sa pagtatayo ng “Huangyan Island National Nature Reserve” sa Bajo de Masinloc.
Iginiit din ng DFA na dapat sundin ng China ang 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), gayundin ang 2016 South China Sea Arbitral Award, at ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).









