Tumaas ang rankings ng Pilipinas pagdating sa Nikkei Asia COVID-19 recovery rankings.
Mula sa pang-57 na pwesto noong Disyembre 2021, nasa ika-33 na ngayon ang Pilipinas batay sa pinakahuling rankings ng Tokyo-based news magazine.
Sa inilabas na report ng Nikkei, naitala ng Pilipinas ang “best performances” sa mga nakalipas na buwan para mapanatiling mababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng pagluwag ng restrictions.
Matatandaang noong 2021 ay kalahati rin ang iniakyat ng Pilipinas mula noong Oktubre kung saan nasa pang-103 tayo at pang-57 na noong Disyembre.
Samantala, ngayong pang-33 na tayo sa pwesto ay mas nauuna na ang Pilipinas sa mahigit 80 pang bansa kabilang ang Switzerland, Israel, Japan, United Kingdom, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Estados Unidos at China.
Kasunod nito, welcome naman para sa Department of Health ang pinakahuling report ng Nikkei at sinabing dahil ito sa kanilang ginagawang Prevent, Detect, Isolation, Treat, Reintegration (PDITR) strategy.