Pilipinas, umangat sa WJP Rule of Law Index 2022

Tumaas ang ranking ng Pilipinas sa World Justice Project (WJP) Rule of Law Index 2022.

Sa ulat na inilabas nitong Miyerkules, mula 102nd spot ay umakyat sa ika-97 puwesto ang Pilipinas mula sa kabuuang 140 na mga bansa sa buong mundo na tinatasa sa pagsunod sa rule of law.

Nakakuha ang bansa ng score na 0.47 na mas mataas kumpara sa 0.46 noong nakaraang taon.


Walong salik ang ginamit sa assessment kung saan pinakamataas ang score na nakuha ng bansa sa pagiging bukas ng pamahalaan na 0.50 habang pinakamababa sa usapin ng fundamental rights na 0.40.

Welcome naman sa Philippine National Police (PNP) ang pagganda ng ranking ng Pilipinas sa global rule of law index.

Samantala, kulelat o nasa ika-140 pwesto ang Venezuela na may score na 0.26; sinundan ng Cambodia (0.31); Afghanistan (0.33); Congo (0.34) at Haiti (0.35).

Habang nasa top spot ang Denmark na may overall rule of law index score na 0.90; sinundan ng Norway (0.89); Finland (0.87); Sweden (0.86) at Netherlands (0.83).

Facebook Comments