Nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas sa international community na muling pagtibayin ang kanilang commitment sa mapayapang pagresolba ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA), dapat pairalin ang Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputes United ng United Nation General Assembly na nagbibigay ng legal na pagbalangkas para sa diplomasya, diyalogo, at rule of law.
Binanggit pa ng DFA na sa sitwasyon sa Ukraine ay walang mabigat na dahilan para sa sinuman na magsagawa ng mga pag-atake rito.
Nanawagan din ang DFA sa lahat ng partido na gawin ang lahat ng pagsisikap para mapanatili ang mapayapa at diplomatikong paraan sa pagresolba sa sigalot.
Facebook Comments