Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang pangungutang ng gobyerno ng 30 million dollars para suportahan ang Project Development and Monitoring Facility o PDMF ng Public Private Partnership (PPP) Center.
Gagamitin ang pondo para sa project preparation ng mga ahensya ng pamahalaan, partikular sa kanilang pre-investment activity tulad ng pag-develop sa feasibility study ng potential na PPP projects.
Suportado rin ng PDMF ang preparation development, approval, procurement, coordination at monitoring ng iba’t ibang PPP projects.
At habang pinapalawak ng pamahalaan ang partisipasyon ng pribadong sektor sa mga infrastructure projects, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang karagdagang suporta para sa PDMF ay titiyak na ang mga gawain ng PPP ay masusing pinaplano at naisasakatuparan sa pinakamataas na pamantayan.
Maigagarantiya rin nito ang patuloy na access sa international sources of innovation, expertise, advice at best practices sa developments at implementation ng mga PPP projects.