Napanatili ng Pilipinas ang very low risk sa COVID-19 sa kabila ng ‘severe outbreaks’ na nararanasan ng mga karatig-bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Sinabi ito ni OCTA Research Group Fellow Dr. Butch Ong sa panayam ng RMN Manila kasunod ng COVID-19 situation sa bansa ngayong panahon ng kampanya.
Ayon kay Ong, sa nakalipas na lingo ay nakapagtala ang Pilipinas ng 400 hanggang 500 na kaso ng COVID-19 kada araw habang nasa below 1% naman ang average daily attack rate o ADAR nito.
Sa kabila nito, nakitaan ng OCTA ng bahagyang pagtaas ng kaso at reproduction number ang bansa kaya hindi isinsantabi nito ang posibleng pagtaas muli ng COVID-19 cases sa pilipinas.
Dahil dito ay hindi pa napapanahon na ideklarang endemic ang COVID-19 sa Pilipinas kaya dapat maging alerto pa rin ang publiko sa lahat ng oras.
Samantala, puspusan pa rin ang gobyerno sa kanilang COVID-19 vaccination program upang mabakunahan ang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang buwan ng Marso.