Manila, Philippines – Nasungkit ng mga kinatawan ng Pilipinas ang 23 medalya sa katatapos pa lamang na 14th International Mathematics & Science Olympiad for Primary School na idinaos sa Singapore mula Nov 20-24.
Ayon kay Dr. Isidro Aguilar, presidente ng Mathematics Trainers Guild Philippines sa kabuuan nakakuha ang Philippine team ng 2 gold, 5 silver at 4 na bronze medals sa math division habang 8 silver at 4 na bronze medals sa science.
Nabatid na ito na ang ika labing-apat na taon na idinaraos ang nasabing kompetisyon kung saan inorganisa ito ng NUS High School of Math & Science at Singapore’s Ministry of Education.
Nilahukan ang kompetisyon ng mga estudyante mula sa ibat-ibang bansa kabilang na ang Brunei, Bulgaria, China, Hong Kong, India, Indonesia, Iran, Kazakhstan, Korea, Laos, Malaysia, Mongolia, Nepal, Philippines, Singapore, South Africa, Sri Lanka, Taiwan, Tajikistan, Thailand, at Vietnam.