Wala nang planong dagdagan pa ng Pilipinas ang mga lugar sa bansa na gagawing base ng Amerika sa ilalim Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ang EDCA ay isang kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong 2014, para sa mas malalim na defense cooperation at nagsusulong ng pagpapatupad sa Mutual Defense Treaty.
Sa kasalukuyan ay may siyam na EDCA sites sa bansa at humihirit pa si US President Joe Bide ng 128 milyong dolyar na congressional allocation budget para makapagpatupad ng mga proyekto sa mga nasabing base militar.
Kinontra naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang obserbasyon ng ilang grupo na mas nagiging agresibo umano ang China sa West Philippine Sea dahil sa EDCA.
Paglilinaw ni Pangulong Marcos, wala pa ang EDCA sites sa bansa nang mangyari ang paggamit ng water cannon, laser, at pagbangga ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard.