MANILA – Zika-free pa rin ang Pilipinas sa kabila ng napa-ulat na isang American national na nagbakasyon sa bansa ang nagpositibo sa virus.Sa interview kay Health Secretary Janette Garin, sinabi niyang walang dahilan para mag-panic ang publiko dahil isolated case lang ito.Ang kaso ay ikalawa pa lang sa bansa at naitala ang pinakaunang kaso noong 2012 sa Cebu.Kaugnay nito, sa interview ng RMN kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Leesuy, sinabi niyang nakikipag-ugnayan pa rin sila sa US Centers for Disease Control and Prevention para ma-trace mga lugar na pinuntahan ng Amerikana.Sa inisyal na impormasyon, karamihan sa mga lugar na binisita nito ay ang mga tourist destination sa Luzon.Sa ngayon ay nasa US na uli ang turista at maayos na ang lagay nito.Tiniyak din ng DOH sa publiko na may kakayahan ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City na malaman kung may Zika Virus ang isang pasyente sa pamamagitan ng Real-Time Polymerase Chain Reaction.
Pilipinas, Wala Pa Ring Kaso Ng Zika Virus Ayon Sa Department Of Health (Doh)
Facebook Comments