Pilipinas, wala pang COVID-19 testing capacity noong Enero ayon sa DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang kapasidad ang Pilipinas na magsagawa ng test para sa COVID-19 nang maitala sa bansa ang unang kaso nito noong Enero.

Ito ang tugon ng DOH sa pahayag ng Malacañang na dapat pinalawak na ang testing capacity nito nang magkaroon ng virus outbreak sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga specimens ay ipinapadala pa sa Australia para doon suriin.


Aniya, wala pang proseso noon sa paglilisensya ng mga laboratoryo.

Binigyang diin din ni Vergeire na kinakailangan pa ng bansa na bumili ng mga kagamitan at medical supplies tulad ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) machines sa kasagsagan ng global shortage.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 83 licensed laboratories kumpara noong Pebrero na mayroong isang testing center lamang.

Facebook Comments