Wala pang naitatalang local cases ng COVID-19 Delta variant sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, ang 17 kaso ng Delta variant na naitala sa bansa ay mula sa mga foreign travelers.
Kailangan aniyang higpitan ang border control.
Sinabi ni Vega na nakakahawa ang Delta variant ay maaaring itaas nito ang hospitalization rate.
“We hope we can sustain this because we know this variant is contagious and can also give us an increase in hospitalization rate, so the only way here is prevention and vaccination,” ani Vega.
Nabatid na 60% na mas nakakahawa ang Delta variant na unang na-detect sa India kumpara sa Alpha variant na unang nadiskubre sa United Kingdom.
Facebook Comments