
Nanindigan ang Malacañang na walang nilabag na protocol ang Pilipinas sa pagdaraos ng ASEAN Minister’s Meeting sa Cebu, kahit ginanap ito sa isang hotel na may casino.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, malinaw na ginamit ang lugar bilang venue ng isang international summit at hindi para sa pagsusugal. May hiwalay at pribadong lugar ang pulong ng mga delegado.
Binigyang-diin ni Castro na ibang usapan lamang kung may pumunta sa hotel para magsugal, na hindi naman nangyari sa naturang aktibidad.
Tiniyak din ng Palasyo na walang nilabag na patakaran ang Office of the President o ang administrasyon bilang host ng ASEAN ngayong taon.
Mahigpit aniyang binabantayan ang lahat ng proseso, procurement, at gastusin kaugnay ng summit.
Facebook Comments










