Pilipinas, walang pasilidad para magdevelop ng COVID-19 vaccine ayon sa DOST

Iginiit ng Department of Science and Techology (DOST) na walang kakayahan ang Pilipinas para magdevelop ng bakuna laban sa COVID-19 dahil walang pasilidad ang bansa para sa ganitong proseso.

Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, ang Pilipinas ay nakikilahok lamang sa mga trial at negotiation para makakuha ng COVID-19 vaccines.

Partikular na tinukoy ni Dela Peña ang pagsali ng Pilipinas sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).


Bukod dito, nakikipagnegosasyon ang bansa sa limang institusyon sa China, Taiwan, at Russia para sa kanilang vaccine trials.

Ayon kay Dela Peña, pinili nila si Dr. Nina Gloriani para makasama sa mga eksperto na mamimili sa alin ang susubukang bakuna sa Solidarity Trial.

Aniya, posibleng sa kalagitnaan pa ng 2021 magkaroon ng bakuna.

Ang Pilipinas ay nakikipag-coordinate sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) para sa patas na access ng mga bansa sa bakuna.

Facebook Comments