Iginiit ng National Task Force against COVID-19 na walang pinapaboran ang pamahalaan hinggil sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, lahat ng bakunang mapapatunayang ligtas at mabisa ay kukunin o bibilhin ng gobyerno.
Itinanggi rin ni Dizon na nahuhuli na ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna.
Aniya, nakikipag-usap noon pa ang bansa sa pamamagitan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa mga pharmaceutical companies para humiling sa kanila ng vaccine supply.
Ang pagsasapinal ng mga kasunduan ay nangyayari na aniya ngayong buwan.
Facebook Comments