Pilipinas, walang planong makipag-giyera sa China – special envoy

Iginiit ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay special ambassador to China na si Teddy Locsin Jr., na walang plano ang Pilipinas na makipag-giyera sa China.

Ayon pa sa opisyal na nasa matiwasay na ugnayan ang dalawang bansa.

Una na ring sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na hindi dapat maging option ang giyera para sa dalawang bansa sa gitna ng nagbabagong geopolitical landscapes sa rehiyon.


Wala rin aniya ang may gusto na magkaroon ng malawakang gulo dahil disaster aniya ang magiging resulta nito sa buong mundo.

Pinabulaanan din ng Philippine envoy ang claims ng China na nagpapalala ng conflict sa rehiyon.

Aniya wala itong katotohanan dahil matagal na aniya ang ugnayan ng US at pilipinas sa bisa ng Mutual Defense Treaty mula noong 1951, visiting forces agreement (VFA) na halos 20 taon na at enhanced Defense Cooperation agreement na napagkasunduan noong 2015.

Idinagdag pa ng opisyal na pinapalakas lamang ng Pilipinas ang relasyon nito sa malaking kaalyado nito na Amerika.

Facebook Comments