Itinanggi ng Pilipinas na nagkaroon ng “temporary special arrangement” sa bansa ang China upang payagan ang ating resupply mission sa Ayungin Shoal.
Una rito, sinabi ng Chinese Coast Guard na pansamantala nilang pinayagan ang Pilipinas na makapagdala ng pagkain at tubig sa mga sundalong naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa pamamagitan ng air drop.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na walang ganitong kasunduan ang Pilipinas at China.
Giit ng opisyal, imahinasyon lamang ito ng China.
“This is a figment of the imagination of the Chinese Coast Guard at wala po itong katotohanan,” ani Malaya.
“Tungkulin po natin na magdala ng kagamitan at supply sa ating mga tropa sa BRP Sierra Madre and we do not need to get the permission of anyone including the Chinese Coast Guard kapag nagdadala tayo ng supplies through whatever means, whether by ship, by air, kung ano man,” dagdag niya.