Pilipinong empleyado ng ospital sa Dubai, napatunayang nagnakaw ng higit P270K sa pasyente

1761

Sinintensyahan ng anim na buwang pagkakakulong ang isang Pilipinong nagtatrabaho sa ospital sa Dubai, UAE matapos mapatunayang nagnakaw ng pera na pagmamay-ari ng pasyente.


Nahuli umani sa CCTV camera ang pagtangay ng hindi pinangalanang empleyado sa bag na mayroong lamang 20,000 dirhams (P276,400) na naiwan sa reception.

Naaresto ang lalaki matapos masiyasat ang kuha ng security footage, ayon sa ulat ng Khaleej Times nitong Pebrero 2.

Napag-alamang nakalaan ang pera pambayad sa ospital ng 26-anyos na Nigerian na kapapanganak lang noong Oktubre nakaraang taon.

Ayon sa bayaw ng pasyente, pinag-ambagan pa ng mga kaanak at kaibigan ang sumatotal na pera.

Ipinag-utos ng korte ang pagpapabalik sa bansa ng Pinoy pagkatapos ng kalahating taon sa kulungan.

Facebook Comments