Pilipinong janitor sa Canada, maswerteng nasungkit ang halos P300-M jackpot sa isang lotto draw

Maswerteng napanalunan ng isang Pilipinong janitor sa Canada ang $7 million jackpot prize ng isang lottery draw ng British Columbia Lottery Corporation.

Katumbas nito sa higit 271 million pesos.

Maituturing na bonus na regalo ito para kay Vito Halasan na ipinagdiwang ang kanyang ika-58 kaarawan, nakatira sa Surrey na natumpak ang mga numero sa lotto noong April 27 draw


Kasama ang kanyang pamilya, lumipat at nanirahan sila sa Canada mula sa Pilipinas noong 2009, mayroon na tatlong anak at apat na apo.

Ayon kay Halasan – maibibigay na niya ang magandang kinabukasan sa kanyang pamilya.

Kahit nanalo sa lotto, sinabi ni Halasan na hindi niya iiwan ang kanyang trabaho.

Facebook Comments