Pilot enrollment ng publiko para sa Nat’l ID, sisimulan sa January 2020

128

Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapagulong ng National ID System sa Setyembre.

Ayon kay Deputy National Statistician, Atty. Lourdines Dela Cruz – sisimulan nila ang pilot testing sa mismong mga empleyado ng mga ito ng PSA.


Inaasahang makukumpleto nila ang pilot testing for registration sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Target naman nilang maibukas ito sa publiko sa susunod na taon para sa pilot enrollment.

Sa ilalim nito kukunin ang biometrics at demographic information ng publiko.

Babala ni Dela Cruz, may parusang nag-aabang sa sinumang maaring gumawa ng krimen na may kinalaman dito.

Inaasahang nasa 107 million na Pilipino kasama na ang mga OFW ang makikinabang mula sa National ID.

Facebook Comments

From Advertisers