Pilot error, hindi pa maaring sabihing dahilan kaugnay sa airstrike accident sa Marawi City

Marawi City – Wala pang basehan ngayon para sabihing pilot error ang nangyaring airstrike accident sa Marawi City.

Ito ang iginiit ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa harap ng mga pagkwestyon sa tila kapalpakan ng kanilang ng mga tao sa ground sa Marawi City.

Ayon kay Padilla isang masamang panaginip para sa kanilang piloto ang makaranas ng airstrike accident.


Kaya sa ngayon mas maiging tapusin na muna ang imbestigasyon bago matukoy na ito ay pilot error o hindi.

Otomatiko namang suspendido ang piloto at ang mga kasama nitong sakay ng FA 50 fighter jet dahil sa nangyaring airstrike accident.

Facebook Comments